Joem umaming ‘naligaw ang puso’ dahil sa babae

joem bascon

INAMIN ni Joem Bascon na naligaw na rin ang buhay niya dahil sa pag-ibig. Ito rin daw ang isa sa dahilan kung bakit tumaba siya noon at nawalan nang inspirasyon sa trabaho.

Isa si Joem sa mga maswerteng artista na napili para magbida sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw na nagsimula na last Monday after It’s Showtime kung saan makakasama niya sina Bianca King at Beauty Gonzales.

Sa presscon ng Pusong Ligaw kamakailan, sinabi ng binata na naka-recover na siya ngayon at inspired na uling magtrabaho. Aniya, “Nakita ko na uli ang puso so kaya sana hindi na ako maligaw.”

May girlfriend siya ngayon pero ayaw na muna niya itong pangalanan. Basta sey ng magaling na aktor, mahal na mahal niya ang bago niyang dyowa at isa ito sa mga dahilan kung bakit nagsisipag siya sa trabaho.

Wala pa raw silang magpakasal pero ipinagdarasal niya na sana’y ito na ang kanyang forever, “Lahat naman tayo yun ang talagang gusto, di ba? Pero ipon-ipon pa. Sinasagad ko rin yung puwedeng ma-i-offer sa akin, yung pagbibida.

“Kasi di ba, kapag nagpakasal ka na, siyempre mag-iiba na yung tingin ng mga viewers. Yung mga roles kasi minsan, parang plus factor na kahit may karelasyon ka, wala ka pang asawa.

“Naiintindihan naman niya (GF) yung trabaho ko at happy naman ako kung anuman ang meron kami ngayon,” ani Joem.

In fairness, maganda ang role ni Joem sa Pusong Ligaw, isa siyang igorot na na-in love sa karakter ni Beauty Gonzalez na aahasin naman ni Bianca King. Siya ang magiging dahilan kung bakit nawasak ang pagkakaibigan nina Bianca at Beauty sa kuwento.

Tuwang-tuwa siyempre ang buong cast at produksyon ng serye dahil talagang pinag-usapan at nag-trending sa social media ang kanilang pilot episode. Gamit ang hashtag na #PusongLigawGrandPremiere, mabilis itong naging top trending topics sa Twitter at umani ng mga positibong komento mula sa mga manonood.

Kasama rin sa Pusong Ligaw sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Enzo Pineda, Raymond Bagatsing at marami pang iba. Ito’y sa direksyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar at Henry King Quitaina sa ilalim ng Star Creatives Production.

Read more...