LA Tenorio nakuha ang ikalawang PBA Player of Week award

NASUNGKIT ni LA Tenorio ang kanyang ikalawang Accel-PBA Press Corps Player of Week award matapos ang mahusay na paglalaro para sa Barangay Ginebra Gin Kings.

Ang pangunahing playmaker ng Barangay Ginebra ang bumida para sa Gin Kings na nagtala ng apat na diretsong panalo matapos tabunan ang NLEX Road Warriors, 101-92, noong Miyerkules at patumbahin ang TNT KaTropa, 101-82, noong Linggo.

Si Tenorio ay nag-average ng 17 puntos, 5.5 assists, 2.5 rebounds at 2.0 steals sa huling dalawang laro ng Barangay Ginebra kung saan tinalo niya sa parangal sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra teammate Japeth Aguilar, Phoenix Petroleum veteran guards Cyrus Baguio at RJ Jazul, Star combo guard Paul Lee, TNT KaTropa guard Jayson Castro at GlobalPort Fil-American guard Stanley Pringle.

Read more...