Babaeng pulis na tumulong sa Abu Sayyaf dapat iligpit

NAKAKABAHALA para sa mga residente at turista sa Bohol ang natitirang mga bandidong Abu Sayyaf na nalagasan ng 8 katao matapos ang pakikipagsagupaan sa government forces.
Tatlong kumpit, mga high speed boats na ginagamit ng mga Moro sa kanilang piracy, ang sinakyan ng mga bandido na naglanding sa bayan ng Inabanga.
Ang isang kumpit ay maaaring magkarga ng 30 pasahero, sabi ng dating bihag ng Abu Sayyaf na nakidnap sa Dos Palmas sa Palawan.
Pagpalagay na natin na tig-10 katao ang nakasakay sa isang kumpit—conservative estimate dahil ibig nilang mambihag ng turista—therefore, 30 ang mga bandido na naglanding sa dalampasigan ng Inabanga.
Namatayan sila ng 8, samakatuwid may 22 pang armadong kalalakihan ang nakakawala sa Bohol.
Binomba ng military aircraft ang mga kumpit kaya’t wala na silang masakyan sa kanilang pagtakas.
Masukal ang kabundukan ng Inabanga kaya’t marami silang pagtataguan.
Na-confine na ng militar at pulisya ang mga natitirang bandido sa Inabanga at may tight cordon.
Pero sa mga ipinakita ng security forces sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf sa mga nagdaang panahon, baka makalusot sila sa cordon at maghasik ng lagim sa ibang parte ng Bohol lalo na sa mga lugar kung saan maraming turista.
***
Magbibigay ng pabuya ng P1 milyon si Pangulong Digong sa sinumang makapagturo o makapatay sa bawat ulo ng natitirang Abu Sayyaf,
Kung masinop ang mga Bol-anon, maraming yayaman sa kanila dahil marami pa ang natitirang mga bandido.

Adyaw lang mog pataka sa pagukod sa Abu Sayyaf kay armado ug maayo sa away sila (Huwag kayong basta-basta humabol sa Abu Sayyaf dahil armado at magaling sila sa pakikipag-away).
Kung alam ninyo kung saan sila nagtatago ipagbigay alam sa militar o pulisya. Inuulit ko sa mga Bol-anon: Huwag kayo ang susugod.
***
Kung totoo ang paratang kay police Supt. Maria Christina Nobleza na pumunta siya sa Bohol upang tumulong sa Abu Sayyaf, magaan ang parusang dismissal from the service sa kanya.
Nanggaling si Nobleza sa Davao, kung saan siya’y deputy regional chief of the crime laboratory for the Davao region.
Ang mga text messages na nakita sa kanyang cellphone ay nagpapakita ng pakay niya sa Bohol.
Dapat hindi siya kaawaan kahit na siya’y isang babae; dapat ay barilin siya gaya ng isang drug suspect.
***
Tama si Environment Secretary Gina Lopez: Sa pag-unlad ng Boracay bilang world tourist attraction, nakalimutan ng gobiyerno ang mga katutubong Agta (kulot).
Dapat daw ang mga katutubo ay nakikinabang din sa mga perang kinikita ng turismo.
Sa America, ang mga Native Americans o Indians ay binibigyan ng magagandang lupain kung saan sila puwedeng maghanting at mag-fishing all year round at kumikita sila sa casino sa reservations.
May mga season kasi ang hunting at fishing sa US at ang casino ay legal lang sa Las Vegas at ibang kaunting lugar.

Read more...