Aktres nabiktima ng trahedya, muling nakabangon

BLIND ITEM WOMAN 0219

HULA hoop: By accident ay naispatan ng aming source ang anak ng isang dating lady producer na lumalabas din noon sa kanilang itinatag na production company.

Sa isang resto sa Quezon City noong Huwebes Santo naganap ang ‘di sinasadyang pagkikita nila. Hindi kasama ng dating aktres ang kanyang ina.

Soon after, they found themselves comfortably seated at the resto, pinagbigyan sila ng staff nito kahit pasara na ang establishment.

Du’n naibahagi ng dating aktres—na tawagin na lang natin sa initial na “G”—ang matinding hinampo ng kanyang nanay sa ilan nitong mga naging ka-close sa showbiz sa loob ng maikli nilang pagpalaot sa larangan ng pagpoprodyus ng pelikula.

Kung hindi kasi kami nagkakamali, nakadalawang movies lang ito but its maiden offering—starring a child actor who had grown wayward through the years—was critically acclaimed.

Taong 2010 pala noong matupok ng sunog ang kanilang tahanan sa QC razing it to the ground. Himutok ni G, wala man lang daw silang natanggap na ayuda mula sa mga taong anila’y natulungan naman nilang magkaroon ng trabaho.

Pero sabi nga, weder-weder lang ang buhay. Nag-iba ang direksiyon ng hangin patungo sa pagbangon nilang muli mula sa pagdarahop.

Sa ngayon ay bumalik silang muli sa dating pinagkukunan ng ikinabubuhay: ang pangongontrata ng mga dump truck na umiikot sa Metro Manila para maghakot ng basura.

So, sino’ng maysabing walang matatagpuang ginto sa basura? At dahil kapuri-puri ang pagpupursige ng pamilya ni G para muling makaahon ay isa lang ang gusto naming sabihin…magnifico!

Read more...