Mga Laro sa Mayo 3
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs NLEX
7 p.m. Meralco vs Phoenix Petroleum
BALANSENG opensa ang sinandalan ng Globalport Batang Pier para ilampaso ang Mahindra Floodbuster, 105-86, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Anim na players, na pinangunahan ng 24 puntos ni Stanley Pringle, ang umiskor ng twin digits para sa Batang Pier, na ipinakita na kaya nitong manalo kahit wala si Terrence Romeo.
Bunga ng panalo, umangat ang Globalport sa 2-5 kartada.
Ang pagkatalo ay ikalimang sunod para sa Floodbuster na nahulog sa 1-7 karta at nanganganib na tuluyang mapatalsik kahit may tatlong laro pa itong natitira sa kanilang elimination round schedule.
Pinamunuan ni Keith Wright ang Mahindra sa ginawang 23 puntos at siyam na rebounds and the Floodbuster.
Kumamada si Malcolm White ng 16 puntos at 17 rebounds para sa Batang Pier, na nagawang makalamang ng 31 puntos at nagtapos na hawak ang ikalawang pinakamataas na kabuuang puntos ngayong kumperensiya.
Ang dating Rookie of the Year na si Pringle ay ginawa ang lahat maliban sa pito sa kanyang team-high na puntos sa naunang tatlong yugto kung saan nagawang dominahin ng tuluyan at makontrol ng Batang Pier ang takbo ng laban.