135 taong kulong sa ex-mayor tuloy

    sandigan
Pinagtibay ng Sandiganbayan Second Division ang hatol nitong 135 taong kulong sa dating mayor sa Albay kaugnay ng 17 kaso ng malversation of public fund na isinampa rito.
    Walang nakitang dahilan ang korte upang baliktarin ang desisyon nito laban kay dating  Guinobatan Mayor Juan Rivera na kinasuhan ng Ombudsman matapos na mabigong i-liquidate ang kanyang cash advance na nagkakahalaga ng P357,956.08.
    Si Rivera ay hinatulan ng 11 na sampung taong pagkakakulong, 3 anim na taong pagkakakulong, at 3 na dalawang taon at apat na buwang pagkakakulong.
    Ang cash advance ni Rivera ay ginamit umano sa mga biyahe, pagrerehistro ng mga sasakyan ng munisipyo at iba pang proyekto.
    Itinanggi ni Rivera na ibinulsa o nilustay niya ang pera at wala umanong ebidensya ang korte upang patunayan ito.
      “After a careful study, the Court finds no cogent reason to consider or modify the decision promulgated on July 20, 2016. The grounds invoked are essentially the reiterations of those previously raised by the accused and already considered by the Court,” saad ng korte.

Read more...