P137M jackpot nakuha sa Iloilo

  grand lotto
Isa ang nanalo ng P137.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Sabado ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Barotoc Viejo, Iloilo.
    Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya at siya ang pumili ng mga numero.
    Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 34-42-08-15-23-20.
    Mayroon siyang isang taon para kunin ang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Kung hindi mapupunta ito sa Charity Fund ng ahensya na ipantutulong sa mga pasyente na walang pambayad.
    Samantala, nanalo naman ng tig-P63,100 ang 24 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P740 naman ang napanalunan ng 1,630 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,187 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...