135 taong kulong sa ex-mayor tuloy | Bandera

135 taong kulong sa ex-mayor tuloy

Leifbilly Begas - April 23, 2017 - 05:21 PM

    sandigan Pinagtibay ng Sandiganbayan Second Division ang hatol nitong 135 taong kulong sa dating mayor sa Albay kaugnay ng 17 kaso ng malversation of public fund na isinampa rito.     Walang nakitang dahilan ang korte upang baliktarin ang desisyon nito laban kay dating  Guinobatan Mayor Juan Rivera na kinasuhan ng Ombudsman matapos na mabigong i-liquidate ang kanyang cash advance na nagkakahalaga ng P357,956.08.     Si Rivera ay hinatulan ng 11 na sampung taong pagkakakulong, 3 anim na taong pagkakakulong, at 3 na dalawang taon at apat na buwang pagkakakulong.     Ang cash advance ni Rivera ay ginamit umano sa mga biyahe, pagrerehistro ng mga sasakyan ng munisipyo at iba pang proyekto.     Itinanggi ni Rivera na ibinulsa o nilustay niya ang pera at wala umanong ebidensya ang korte upang patunayan ito.       “After a careful study, the Court finds no cogent reason to consider or modify the decision promulgated on July 20, 2016. The grounds invoked are essentially the reiterations of those previously raised by the accused and already considered by the Court,” saad ng korte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending