MRT nadiskaril, itinago

MRT

MRT

Nadiskaril ang tren ng Metro Rail Transit 3 noong Martes.

    At dismayado si PBA Rep. Jericho Nograles dahil hindi umano ito isinapubliko ng pamunuan ng MRT at ng maintenance provider nito na Busan Universal Rail Inc.
    Ayon kay Nograles alas-8 ng gabi noong Martes ay nasira ang gearbox ng isa sa mg tren kaya nawala ito sa riles. Ang gearbox ang humahawak sa mga gulong upang hindi ito maghiwa-hiwalay.
    Nakababa na ang mga pasahero sa North Ave., station ng mangyari ang insidente at lilipat na sana sa kabilang linya patungong southbound.
    Nagkaroon umano ang tren ng Rear Static Converter Failure at Drive Circuit Interlocking at Overhead Caternary System na nagresulta sa pagkadiskarel ng bagon.
    Tumagal umano ng apat na oras ang pagkumpuni sa nadiskarel na tren.
    “We were still fortunate that the train contained no passengers and the speed was slow.  It could have had disastrous consequences if it was derailed while it was still filled with passengers,” ani Nograles.
      Halos tatlong taon na ang nakakaraan ng lumagpas sa istasyon sa Taft Ave., station ang tren ng MRT ng mawalan ito ng preno. Sugatan sa insidente ang 38 pasahero.
      Nanawagan si Nograles sa pamunuan ng MRT na igiit sa Busan Universal Rail Inc., na sundin ang kanilang kontrata.
    “This is clearly poor maintenance and BURI is clearly at fault here. A train’s gearbox is like a car’s axle. We’re lucky no one was harmed but I renew my calls for concern that these are rolling coffins. I am calling on the House Transport Committee to act on House Resolution No. 787 immediately,” ani Nograles.

 

Read more...