Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Surigao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:19 ng umaga. Ang sentro nito ay 24 kilometro sa silangan ng Tandag at may lalim na 20 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa Talacogon, Agusan del Sur.
Intensity III sa Surigao City at Socorro, sa Surigao del Norte at Intensity II sa Butuan City.
May naitala naman ang mga aparato ng Phivolcs na Intensity II sa Bislig, Surigao del Sur at Intensity I sa Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs maaaring magkaroon ng aftershock sanhi ng paggalaw na ito.
MOST READ
LATEST STORIES