‘Hoyyy! Kabit ka lang, mistress, ahas! Ako pa rin ang legal wife!

bandera-6 0423

IBA’T IBA lang ang kuwento, pero iisa ang tema: kabitan, ahasan, agawan ng asawa ng may asawa!

Bentang-benta sa mga manonood ang mga teleserye at pelikula tungkol sa mga kabit. Kahit paulit-ulit na lang ang kuwento basta may temang lokohan at kabitan, sampalan at sabunutan, talagang tinututukan ng mga viewers.

Bakit nga ba gustung-gusto ng mga Pinoy ang mga kuwento tungkol sa agawan ng asawa? Ano nga ba ang magic ng mga ganitong uri ng palabas sa telebisyon at mga sinehan at paulit-ulit pa ring pinanonood ng ating mga kababayan?

Ilang mga kasamahan sa panulat ang tinanong namin kung bakit. Ayon sa entertainment columnist na si Mel Navarro, “Siguro nakaka-relate sila, sa mga karakter sa story. Nakikita nila ‘yung mga personal experience nila. And maybe, gusto rin nilang makakuha ng pointers o mga tips kung paano iiwasan o iha-handle ‘yung mga ganitong sitwasyon in case mangyari rin sa kanila.

“Kung gino-glorify? Parang ano lang ‘yan, e, kung anong nangyayari sa totoong buhay, binabase lang nila ‘yung script doon, so feeling ko hindi naman gino-glorify ‘yung pagiging kabit, kasi nangyayari naman talaga. Baka naha-hype o nae-exaggerate lang kapag nasa TV o pelikula na.”

Sabi naman ng Cinema News reporter and showbiz columnist na si Melba Llanera, “Relatable kasi ang mga kabit serye, true to life, nangyayari naman kasi sa buhay ng mag-asawa ‘yung mga ganyang kabit-kabit, may mga pagsubok talagang ganyan sa mga legal couple.

“So, I think that’s one of the reasons kung bakit patuloy pa ring nagpo-produce ang mga TV networks and production companies dahil maraming nanonood. Tsaka masarap kasing panoorin, e, lalo na sa mga babae, ‘yung mga eksenang ganyan, kasi niloko ka, pero ipinakita na marunong kang lumaban.

Ipinakikita na hindi lahat ng babae o misis ay martir. Kahit na niloko ka, sinira ka, winasak ang pamilya mo, gumanti ka sa paraan na, in a positive way. Para sa akin, okay din ‘yung nilalabanan mo ‘yung kabit or the other woman kasi ang pagkababae mo at ang pamilya mo naman ang ipinaglalaban mo rito.”

Sabi naman ng isa pang kolumnista na si Rose Garcia, Una, sobrang dami ang nakaka-relate, pangalawa parang mas dumarami pa ang mga kabit ngayon. Hindi naman sa gino-glorify pero for some reasons, parang nagiging normal na lang ang pagiging other woman, parang okay lang na may kabit. Like sa Ika-6 Na Utos, ang dami-daming galit kay Ryza Cenon kasi parang siya pa ang matapang, parang siya pa ang may karapatang magalit at maghiganti laban sa totoong asawa.”

Tinanong din namin ang dalawa sa lead stars ng kabitseryeng Ika-6 Na Utos na sina Ryza Cenon at Gabby Concepcion, pati na rin ang kanilang direktor na si Laurice Guillen.
Ryza Cenon: Feeling ko maraming nakaka-relate hindi lang mag-asawa, pati ‘yung may third party.

Hindi lang babae o lalake ang nanloloko. Kahit mga beki nakaka-relate kapag nagtsi-cheat sila. Hindi lang naman about kabit na babae lang. ‘Yung like mga OFW, ang layo nila sa isa’t isa. Siyempre napapaisip din sila, hindi kaya niloloko din ako ng asawa ko?

Gabby Concepcion: Siguro it has something to do sa buhay ng mga tao. Sabi nila, ang buhay ay parang pelikula, at ang pelikula ay parang buhay. Kasi maraming nakaka-relate. Du’n lang ang pinagbabasihan ko. And I know, marami ring mga mister na nanonood sa amin dahil sa karakter ko sa Ika-6 Na Utos.

Laurice Guillen: Nu’ng nag-start ito, tinatanong nga ako, ano bang napaka-special sa story? Actually, the story is very simple but it’s so relatable. Pag naikuwento mo ‘yung sitwasyon parang nagmu-multiply, kasi yung tao ang dami ng mga situations like that pero iba-ibang variations lang.

“At the same time, I think also largely itong story na ito like I said is so common. Nu’ng araw kasi ang mga ganito parang nagtitimpi lang ang asawa, parang martir. Pero ngayon ang kaibahan nito lumalaban.

‘Yung viewers natin na naka-experience ng ganyan, siyempre nagtitimpi alang-alang sa mga bata, to save your marriage, pero deep down meron ka talagang impulse na gusto mong lumaban. Ito ngayon, parang basketball kung minsan pag nanonood ka may nagtsi-cheer kay misis pero meron ding nagtatanggol sa third party.

LJ Reyes nahuling may ibang babae ang dyowa dahil sa cellphone

ISA sa mga local celebrities na may personal experience sa usaping “third party” ay ang Kapuso actress na si LJ Reyes.

Huling-huli niya ang dati niyang boyfriend (hindi sinabi kung si Paulo Avelino ito na tatay ng anak niyang si Aki) na may nilalanding ibang babae habang magkarelasyon pa sila. Nalaman niya ito nang pakialaman niya ang cellphone ng guy.

“Sa totoo lang, gusto kong na lang mahimatay. Kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kailangan ko bang hanapin yung girl? Kailangan ko ba siyang awayin? Dahil sa hindi ako ‘yung confrontational na tao, naniniwala ako na wala rin namang mangyayari kung aawayin mo. “Kasi baka ako pa ang lumabas na masama or kahiya-hiya, di ba? So, pinabayaan ko na lang. Ipinagdasaral ko na lang kay Lord na Siya na ang bahala sa kanila.”

JACLYN JOSE 2 beses nanugod ng kabit; umaming naging ‘OTHER WOMAN’

MATAPANG na inamin ni Cannes Best Actress Jaclyn Jose na na-experience na rin niya ang makipagtarayan sa kabit. “Yes, not once, but twice!”

Sa nakaraang presscon ng bagong kabit serye ng GMA 7 na D’ Originals na pinagbibidahan nga ng award-winning veteran star, ikinuwento ni Jaclyn kung paano niya nahuli at sinugod ang kabit ng kanyang partner.

“Nakita ko firsthand, inabangan ko sa lugar na pinupuntahan. Nakita kong lumabas, inakbayan, isinakay sa kotse. Medyo matagal na sila sa kotse, uminit na ang ulo ko kaya pinuntahan ko at sinipa ko ang pinto. Sabi ko, ‘Lumabas ka diyan!’ Pareho kaming iniwan in the end.

“The second one, nag-attend naman ako sa isang party, tapos tinago ang babae sa kuwarto. May nagsumbong sa akin, so sinundan ko. Nanonood ng TV ‘yung babae, sabi ko, ‘Napanood ko na ‘yan — ‘Infidelity.’ Usog ako nang usog, iniipit ko talaga siya sa pader,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Hirit pa ng nanay ni Andi Eigenmann, “Tapos, ni-lock ko ang pinto, tapos sabi ko sa kaniya, ‘May nangyari ba talaga sa inyo?’ Sabi sa akin, ‘Kiss lang po.’ Ah kiss lang pala ha!? Ayun sinipa ko sa face!”
Diretso ring inamin ni Jaclyn na sa isang pagkakataon sa buhay niya ay naging other woman din siya.

“Noong araw kasi, mahilig mag-lock in (mga out-of-town location) sa shooting. Medyo naïve ako noon, wala akong masyadong kilalang artista. Na-involve ako sa guy sa isang lock-in shoot. Pag-uwi ko sa Manila, sabi sa akin ng sister ko, ‘May asawa ‘yan! May anak ‘yan!’

“I was trying to do something about it, pero hindi umayon ang kapalaran,” aniya pa.

Nang matapos ang relasyon nila ng lalaki, humingi raw siya ng sorry sa original na misis, “Naghiwalay din sila, humingi ako ng apology sa woman. I said, ‘Sorry, I didn’t know then.’ Everything went well. Okay na, but yes, I was once in that position.”

10 nakakalokang dialogue sa mga ‘kabit movie’

“Nu’ng nagawa mo akong lokohin, ‘yun ang mali. Pero para ulitin mo, hindi na ‘yun mali…may sakit ka na.” – The Unmarried Wife, 2016

“Di mo pwedeng gamitin ang isang pagkakamali ko para paulit-ulit mo akong saktan!” – My Neighbor’s Wife, 2011

“Ano ang gagawin ninyo if the only man you love is unfortunately married? I am not gonna give up Ram without putting a goddamn fight!” – No Other Woman, 2011

“Vanessa, hindi ako ang nang-agaw. Nick, una kang naging akin, una kang naging akin!” – Una Kang Naging Akin, 1991

“Anong karapatan mo, Sari? Kerida lang kita.” – The Mistress, 2012

“Hindi lahat ng nakakapagpasaya sa atin, TAMA!” – A Love Story, 2007

“Remember this, no woman can seduce a happy husband. Kung hindi mo pa rin maintindihan, bakit hindi sarili mo ang sampalin mo, baka sakaling matauhan ka!” – Asawa Ko Huwag Mong Agawin, 1986

“Unfair ‘no! Kapag lalaki ang nangaliwa tanggap lahat ng tao, pero kapag babae, makasalanan siya. Come to think of it meron ka na bang narinig na lalakeng tinawag na homewrecker o kaya, kabet?” – Minsan Minahal Kita, 2003

“Wow, ang galing mo Georgia, ang galing galing mo! Kung makapagsalita ka akala mo asawa ka. Pareho lang naman tayong kabet!” – Etiquette For Mistresses, 2015

“Cheating is not an accident. It’s a choice.” – A Secret Affair, 2012

Read more...