Star Hotshots winakasan ang 2-game losing skid

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Globalport vs Mahindra
6:45 p.m. Barangay Ginebra vs TNT KaTropa

PINUTOL ng Star Hotshots ang kanilang two-game losing streak matapos talunin ang Blackwater Elite, 96-90, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si Tony Mitchell, na hindi ginamit ni Star head coach Chito Victolero bilang starter, ng 17 puntos at 15 rebounds para pamunuan ang Hotshots na mayroong limang players na umiskor ng double figures.

Si Paul Lee ay gumawa ng 15 puntos habang si Jio Jalalon, na napiling Best Player of the Game, ay nag-ambag ng 13 puntos para sa Star na umangat sa 5-2 kartada. Sina Justin Melton at Allein Maliksi ay nagdagdag ng tig-10 puntos para sa Hotshots.

Pinangunahan ni Nino Canaleta ang Elite sa ginawang 27 puntos kabilang ang 7-of-12 3-point shooting.
Si Greg Smith ay kumamada ng 22 puntos at 29 rebounds habang si Mike DiGregorio ay nag-ambag ng 11 puntos para sa Blackwater na nahulog sa 1-6 record.

Read more...