NALASON ang 15 katao, kabilang na ang 13 mga bata matapos kumain ng cake sa isang birthday party sa isang bahay sa Barangay Igang, Masbate noong Lunes.
Sinabi ni Dr. Severino Bajar, Masbate provincial health officer na iniimbestigahan na ang bakeshop na pinagbilhan ng cake dahilan para maospital ang 13 bata at dalawang iba pa.
“After two to four hours they have consumed the food, they vomited,” sabi ni Bajar.
Ginamot ang mga biktima sa provincial hospital at nakalabas kaninang umaga.
Hindi naman pinangalanan ni Bajar ang bakeshop at may-ari nito sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng Surveillance and Epidemiology Department ng lokal na pamahalaan ng Masbate.
MOST READ
LATEST STORIES