Tamaraws vs Tigers: Matira matibay

Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. UST vs FEU (men’s semis)

MATIRA ang matibay.
Yan ang motibasyon ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws at University of Santo Tomas (UST) Tigers sa kanilang do-or-die stepladder semifinals ng 79th UAAP men’s volleyball tournament na gaganapin ngayon sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Ganap na alas-2 ng hapon magsasagupa ang tumapos sa eliminasyon na ranked No. 4 na Tigers at ranked No. 3 na Tamaraws.
Ang mananalo ay mananatili sa semis kung saan makakasagupa nito ang may twice-to-beat incentive na National University (NU) Bulldogs.

Dalawang sunod na tinalo ng FEU ang UST sa kanilang paghaharap na ang huli ay ang wala nang halaga na 25-23, 25-18 at 25-18 sa pagtatapos ng eliminasyon bago pansamantalang magpahinga ang torneo noong Abril 8 para sap ag-oobserba ng Mahal na Araw. Una din ito nagwagi, 25-19, 25-23 at 25-22.

Subalit hindi pa rin nagkukumpiyansa si FEU coach Rey Diaz laluna’t galing sa mahabang bakasyon ang mga koponan at tiyak na pinaghandaan sila ng UST.

Trabaho naman ng bawat coach talaga iyun na pag-aralan ang kanilang mga kalaban,” sabi ni Diaz. “Kaya naman kami ay naghahanda din siyempre ng mga nararapat naman namin na gawin.”

Awtomatiko nang nakapasok sa Finals ang Ateneo Blue Eagles matapos na mawalis nito ang lahat ng laro sa elims.
—Angelito Oredo

Read more...