Marian bibida sa 3 bagong show ng GMA 7; Alyas Robin Hood ni Dingdong may Book 2

marian rivera at dingdong dantes

GOOD news para sa lahat ng mga supporters ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera!

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-teleserye ni Marian this year. Muling bibida ang misis ni Dingdong sa family TV series na The Good Teacher. Tulad nga ng ibinalita ni Marian nu’ng huli namin siyang makachika, siguradong magugustuhan daw ito ng mga bata dahil this is something na talagang nilikha ng GMA Entertainment para sa mga bagets, kabilang na nga ang kanyang anak na si Baby Zia.

Bukod dito, si Marian din daw ang bibida sa unang episode ng bagong fantasy sitcom ng GMA na Daig Kayo Ng Lola Ko kasama si Ms. Gloria Romero. Siya rin ang magiging host ng OFW anthology ng Kapuso network na Tadhana.

Samantala, balitang magkakaroon naman ng Book 2 ang dating primetime series ni Dingdong na Alyas Robin Hood. Makakasama pa rin dito sina Jaclyn Jose na gumanap na nanay ni Dingdong at ang isa pa sa pinag-usapang character sa serye na si Venus to be played again by Andrea Torres.

Read more...