Dalawampu’t-apat katao ang nasawi nang mahulog ang bus na pa-Maynila sa isang bangin sa Carranglan, Nueva Ecija, bago mag-tanghali, ayon sa pulisya.
Nakarekober na ng 24 na bangkay ang mga lokal na awtoridad Martes ng hapon, sabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon regional police.
Isang Robin bus ang nahulog sa bangin sa Brgy. Capintalan dakong alas-11:30, sabi ni Aquino sa isang text message sa mga reporter.
Binabagtas noon ng bus ang Maharlika Highway, mula Cagayan patungong Manila, aniya.
Nagsasagawa pa ng rescue operation sa pinangyarihan, ani Aquino.
MOST READ
LATEST STORIES