Serye nina Alden at Maine sandamakmak ang tv commercial, imposibleng matsugi agad

maine mendoza at alden richards

PINAKAKALAT sa social media na magtatapos na ang Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza. Imbiyerna siyempre ang AlDub Nation sa walang basehang balita.

Sa tatlong primetime shows ng GMA, ang Encantadia, DTVY at Meant To Be, ang telefantasya ang unang umere. Nasa Book 2 na ito kaya malaki ang posibilidad na ito ang unang magbabu sa ere.

Kasunod inilabas ang MTB ni Barbie Forteza. Last Feb. 27 naman ang AlDub series na sa May pa ang one season. Ang My Love From The Star nga raw ni Jennylyn Mercado ang papalit sa DTBY nina Alden at Maine.

Halos hindi pa nga nag-iinit ang kuwento ng DTBY, sisibakin na agad-agad? Saka kumikita sa advertisers ang programa so bakit kailangang matsugi agad ito sa ere?

Hindi porke inilabas na ang Kapuso Network ang summer programs na offering nila eh, simula na ng tanggalan ng programang umeere ngayon, huh!

Siyanga pala, bumalik na sa bansa sina Alden at Meng kahapon after ng show sa Amerika kaya back to work na uli sila dito sa bansa.

Read more...