Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang may pinakamataas na approval at trust rating sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Pero bumaba ang rating ni Duterte kumpara sa rating nito sa survey noong Disyembre.
Nakapagtala si Duterte ng 78 porsyentong approval rating, 7 porsyentong disapproval rating at 15 porsyentong undecided.
Sa survey noong Disyembre, ang pangulo ay nakakuha ng 83 porsyentong approval, 5 porsyentong disapproval at 13 porsyentong undecided.
Bumaba ang approval rating ni Duterte sa National Capital Region (mula 79 porsyento ay naging 73), iba pang bahagi ng Luzon (78 ay naging 71) at Mindanao (91 ay naging 88). Tumaas naman siya ng dalawang porsyento sa Visayas.
Nakapagtala naman si Vice President Leni Robredo ng 58 porsyentong approval rating (mula sa 62), 16 porsyentong disapproval rating (hindi nabago) at 25 porsyentong undecided (mula sa 23).
Ang approval rating naman ni Senate President Aquilino Pimentel III ay nanatili sa 55 porsyento. Siya ay may disapproval rating na 8 (mula sa 9) at undecided na 35 (mula sa 36).
Si House Speaker Pantaleon Alvarez naman ay bumaba ng tatlong porsyento ang approval rating at naitala sa 40. Nanatili naman sa 14 ang kanyang disapproval at ang undecided ay 41.
Limang porsyento naman ang ibinaba ni Supreme Court chief justice Ma. Lourdes Sereno na nakapagtala ng 42 porsyento. Ang kanyang disapproval ay 11 porsyento (mula sa 12), at ang undecided ay 41 (mula sa 39).
Ang trust rating naman ni Duterte ay 76 porsyento (mula sa 83), ang kanyang distrust ay 5 (mula sa 4) at ang undecided ay 18 (mula sa 13).
Si Robredo naman ay nakapagtala ng 56 porsyentong trust rating (mula sa 58), distrust rating na 16 (mula sa 15) at undecided na 28 (mula sa 27).
Tumaas naman ng isang porsyento ang trust rating ni Pimentel na nasa 51 porsyento. Nanatili ang kanyang distrust rating sa 8 porsyento at ang undecided ay 39 (mula sa 41).
Si Alvarez naman ay bumaba ng isang porsyento ang trust rating at naitala sa 37 porsyento. Ang kanyang distrust ay 15 (mula sa 14) at ang undecided ay 44 (mula sa 46).
Si Sereno ay may 40 porsyentong trust rating (mula sa 41), at distrust na 12 (mula sa 13). Ang undecided ay 43 (mula sa 44).
Nakakuha naman ng 55 porsyentong trust rating ang Senado; 10 porsyentong distrust at 32 undecided.
Ang Kamara de Representantes ay may 50 porsyentong trust rating, 11 porsyentong distrust at 37 undecided.
Ang Korte Suprema naman ay 57 porsyentong trust rating, 11 porsyentong distrust at 32 porsyentong undecided.
Ang survey ay ginawa mula Marso 15-20 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. May error of margin ito na plus/minus 3 porsyento.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending