“Verified na ‘to… ang nag-behead grupo ni Sawadjaan,” ani Sobejana, na posibleng tinutukoy ang grupo ni Abu Sayyaf sub-commander Hatib Hajan Sawadjaan.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon, sa kanlurang bahagi ng bayan ng Patikul, aniya.
Matatandaan na dinukot si Besconde at apat pang kapwa niya tripulante noong Disyembre 20, 2016, habang naglalayag sila sa Celebes Sea lulan ng F/B Ramona 2.
Maaaring nagpasya ang Abu Sayyaf na patayin si Besconde dahil sa iniindang karamdaman, bukod sa kawalan ng kakayanang magbayad ng ransom, ani Sobejana.
“Nung tsineck namin sickly na ‘tong tao and considering that they (Abu Sayyaf) are on the move, nakaka-delay sa kanila,” aniya.
Humingi umano ang Abu Sayyaf ng P3 milyon kapalit ng pagpapalaya kay Besconde, ani Sobejana.
Hinahanap pa ng mga tropa ng pamahalaan ang mga labi ni Besconde para maipadala sa kanyang pamilya at mabigyan ng maayos na libing, anya.