Update:8 patay sa Cebu dahil sa pagbaha dulot ni Crising

cebucity

PATAY ang walo katao matrapos ang matinding pagbaha sa Cebu, bagamat humina na ang Tropical Depression Crising at naging low pressure area over na lamang nitong weekend, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan na pito sa mga namatay ay nagmula sa Carmen at isa sa Danao.
“Although Crising had weakened into a low pressure area, the rains continued and we had eight casualties due to flooding. Their houses were washed away by flood waters… Flood waters have now subsided,” sabi ni Marasigan.
Idinagdag ni Marasigan na biniberipika pa ng NDRRMC na 10 ang sugatan matapos bumigay ang isang tent na ginagamit para sa Salubong kahapon ng madaling araw.
“They were waiting inside the tent when it collapsed because the rain water had accumulated on (the roof),” sabi ni Marasigan.
Noong Sabado, sinabi ng NDRRMC na umabot sa 4,581 pasahero ang na-stranded sa Bicol region at Visayas dahil kay Crising.
Tinatayang 34 na barko at 14 na bangkang de motor ang hindi pinayagang makapaglayag dahil kay Crising.

Read more...