PATAY ang 13 tulak mula Maundy Thursday at hanggang sa pagtatapos ng Mahal Na Araw ngayong araw sa harap ng patuloy na kampanya ng gobyerno kontra droga.
Batay sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), nagpatupad ang pulisya ng 564 na operasyon laban sa mga “high value targets” sa loob ng tatlong araw.
Kabilang sa napatay ang pitong suspek sa droga sa Metro Manila, dalawa sa Southern Tagalog, at tig-iisa sa Bicol, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Davao.
Pinakamarami ang operasyon na isinagawa ng PNP sa Metro Manila na may kabuuang 154 na operasyon, na sinundad ng Southern Tagalog, 139 operasyon, at Central Luzon, 69 na operasyon.
Inaresto rin ng mga pulis ang 1,004 suspek sa droga, samantalang tinatayang 3,121 user at pusher ang sumuko sa mga otoridad.