Lanao del Sur niyanig ng lindol

lanao del sur
Niyanig ng serye ng lindol ang Lanao del Sur kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
    Ang pinakamalakas dito ay magnitude 5.2 na naramdaman alas-4:40 ng umaga. Ang sentro nito ay 14 kilometers sa kanluran ng bayan ng Wao. May lalim itong tatlong kilometro.
    Nagresulta ito sa paggalaw na Intensity V sa Wao; Intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; Intensity III sa Cotabato City at Intensity II sa Cagayan de Oro City, Pangantucan, Maramag, Quezon sa Bukidnon at Valencia City.
    May naramdaman ding magnitude 4.3 paggalaw alas-4:37 ng umaga sa kaparehong lugar.
    Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa Wao; Intensity III sa Kalilangan at Intensity I sa Pangantucan.
    Nasundan ito ng magnitude 3.3 paggalaw alas-4:48 ng umaga. Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Wao.
    Sumunod naman ang magnitude 2.7 alas-5:03 ng umaga; magnitude 2.2 alas-5:13 ng umaga; magnitude 2.3 alas-5:38 ng umaga; magnitude 2.7 alas-6:39 ng umaga; magnitude 2.5 alas-7:11 ng umaga; at magnitude 3.1 alas-7:30 ng umaga.
    Ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw sa tectonic plate sa lugar.

Read more...