P127M jackpot ng Grand Lotto

 grand lotto
Inaasahang aabot sa P127 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola sa Lunes ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P120.5 milyong jackpot prize ng Grand Lotto noong Miyerkules Santo.
    Walang bola ng lotto mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng pagkabuhay. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
    Sa huling bola lumabas ang winning number combination na 27-41-26-21-18-09. Umabot sa P26 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P92,930 ang 14 mananaya na nakalimang numero. Tig-P840 naman ang napanalunan ng 1,235 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 23,546 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...