Bossing, Poleng nag-sponsor ng Pabasa para sa reunion ng Pamilya Sotto

vic sotto at pauleen luna

HAPPY Easter to all BANDERA readers! Nawa’y naging makabuluhan ang katatapos na Mahal na Araw.

Kung ang ilan sa ating showbiz celebrities ay nagpakalunod sa sosyal na resorts sa ibang bansa, nandito lang sa bansa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang bahay sa Laguna. Sila ang sponsor ng Pabasa na nagsilbi na ring reunion ng Sotto family.

Nag-post nga si Poleng sa Instagram account niya ng, “Full house!” Maging si Marc Pingris ay naglabas din ng photos sa IG niya.

Ang ilang Eat Bulaga Dabarkads naman ay nasa abroad. Sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo,Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay sa New York City nag-Holy Week para sa last stop ng kanilang “KS sa US (Kalye Serye sa US).”

Si Allan K ay sa Europe naman nagdaos ng Holy Week.

Back to work na bukas ang Bulaga Dabarkads pati na ang mga Kapuso celebrities na may regular programs sa GMA.

Read more...