Vice Ganda vs Paolo Ballesteros sa Semana Santa; baklaan ang laban

vice ganda at paolo ballesteros

HOLY Week na. At kahit busy ang karamihan sa ating mga Kristiyano sa pagpaplano ng mga pagninilay-nilay at bakasyon, sunud-sunod na rin ang mga palabas sa TV tungkol sa Semana Santa.

Muli na namang magkukumpetensya ang noontime shows na Eat Bulaga at It’s Showtime sa mga espesyal nilang drama featuring their hosts and artists.

Parehong nakaka-excite lalo pa’t muling mapapasabak sa heavy drama sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa Lenten Special ng Eat Bulaga, habang ang mga members ng Hashtag at GirlTrends ay mapapalaban naman sa aktingan kasama ang hosts ng Showtime.

Sino kaya ang makakatapat ng episode ni Vice Ganda sa Holy Week special ng Eat Bulaga? Mas maganda kung ang makakalaban nito ay ang kuwentong pagbibidahan ni Paolo Ballesteros kung saan muli itong gaganap na bading.

 

Read more...