Bonggang kasalan na ang susunod na ‘project’ nina Sarah at Matteo

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

APRUB naman pala kay Matteo Guidicelli sakaling pagsamahin nh ABS-CBN at Star Cinema sa isang proyekto sina Sarah Geronimo at Daniel Padilla.

Kasama si Matteo sa latest movie nina Kathryn Bernardo at DJ na “Can’t Help Falling In Love” at inamin niyang isang napakagandang experience ang makatrabaho sa pelikula ang KathNiel.

Sa recent presscon nga ng nasabing movie ay natanong si Matteo kung okay lang sa kanya na magtambal sa isang project sina Sarah at DJ, sabi ng binata, siguradong marami ring matutuwa kapag natuloy ito.

“I’ll be happy for them to work together. I hope one day they’ll be able to work together because Sarah also wants to work with him,” ani Matteo.

Kahit naman si Kathryn ay nagsabing walang issue sa kanya kung mabigyan ng chance ang kanyang boyfriend at si Sarah G na makagawa ng movie or teleserye together. Sey pa ng dalaga idol na idol din daw niya ang Pop Princess.

Kamakailan, nagpahayag din si Sarah na willing din siyang makatrabaho si Daniel pero baka raw hindi bilang magka-loveteam. “Let’s see kung paano ang gagawin kapag may offer na. Siyempre, excited din akong makatrabaho ang KathNiel,” sey ni Sarah.

Tungkol naman sa kasal, mukhang ito na ang susunod na “project” nina Matteo at Sarah. Ang balita kasi nakuha na rin ni Matteo sa wakas ang tiwala at pagmamahal ng nga parents ni Sarah.

 

Read more...