Kilalang aktres napagod, nasakal sa istriktong dyowa kaya nakipaghiwalay

BLIND ITEM FEMALE 0415

ANG pagiging sobrang higpit daw ang isa sa dahilan kaya naghiwalay ang dalawang kilalang personalidad sa showbiz na ikinagulat ng mga kaibigan at magulang nila.

Si boyfriend daw ang sobrang higpit sa ex-GF niya at balitang madly in love pa rin ito kay girlfriend at balita namin ay talagang humihingi siya ng second chance pero ayaw na ni girl dahil napagod na raw siya sa relasyon nila na inakala ng marami na mauuwi rin sa kasalan.

Ang balita, may itinatangi raw na ibang boylet si girl na hindi naman siya sigurado kung gusto rin siya dahil maski raw malapit sila sa isa’t isa ay hindi naman daw ito nagpaparamdam. Kaya itong si girl ay talagang panay ang paramdam kay boylet at maski sa social media ay binabanggit niya ang bago niyang gusto, pero parang dedma naman ang huli.

If ever na hindi makatuluyan ni girl ang boylet na type niya ay may babalikan pa rin naman siya dahil waiting pa rin ang kanyang ex-boyfriend na sobrang higpit. Dapat kausapin ni girl ang dating karelasyon na bawasan ang pagiging istrikto para magkasundo sila. At higit sa lahat, mas maganda ang future ni girl sa ex niya, ‘no!

Read more...