PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga bei ang isang male personality na halos manigas na kuno sa pagpormang lalaking-lalaki siya. Hirap na hirap na raw ang aktor pero kailangan niyang gawin ‘yun dahil ayaw niyang ipahalata na malambot ang kanyang kilos.
‘Yun daw ang madalas na pinoproblema ng guwapong aktor kapag meron siyang show sa mga mall. Napakaraming matang nakatutok sa kanya, binabantayan ang kanyang mga galaw, stressed na stressed kuno ang male personality kapag ganu’n.
Sabi pa ng isang miron sa umpukan, “Napapansin n’yo ba? Bihira siyang tumanggap ng mga provincial shows? Ang palaging isinasangkalan ng mga promoters, e, sobrang taas daw ng talent fee ni ____ (pangalan ng guwapong lalaking personalidad), pero ang totoo, ayaw niya talaga sa mga ganu’ng performance dahil mahahalatang malamya siyang gumalaw!
“Paano niya maitatago ‘yun sa publiko, e, talaga naman kasing lumalabas ang pagiging malamya niya sa katagalan na niya sa stage? Paano niya maitatago ang nakasanayan na niyang galaw?
“So, naisip ng management office niya na huwag na lang siyang bigyan ng mga shows kung saan makikilatis ng mga tao ang talagang kalamyaan niya!” nakataas ang kilay na kuwento ng source.
Pero sa kabila ng mga kuwento ng kabadingan ay panalung-panalo pa rin ang guwapong aktor na ito sa ating mga kababayan. E, ano ngayon kung becki siya, ano’ng problema?
Sabad naman ng isa pang becki, “Mismo! Kami nga, mga berdaderong bakla na, pero siya pa rin ang iniilusyon naming magkakatropa! E, ano ngayon kung kabaro namin siya? Keri lang ‘yun!
“Sa lahat ng mga pinagdududahan ang gender, e, siya pa rin ang numero uno sa listahan namin! Queber! Basta, siya pa rin ang pinag-iilusyunan namin! Wala kaming pakialam kung anuman siya!” madiin nitong komento.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, marami silang hunk na hunk ang dating na kinukuwestiyon ang gender, pili na lang kayo sa pinaka!