5,000 lumikas dahil sa lindol sa Batangas | Bandera

5,000 lumikas dahil sa lindol sa Batangas

- April 09, 2017 - 03:57 PM

batangas-medical-center-0408

TINATAYANG mahigit 5,500 katao ang inilikas sa iba’t ibang bayan sa Batangas matapos ang sunod-sunod na lindol na naitala sa maraming bahagi ng Southern Luzon kamakalawa, ayon sa isang opisyal ng Calabarzon (Calabarzon) ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Sinabi ni Olivia Luces, Calabarzon-RDRRMC director, na mahigit 2,000 residente ng bayan ng Mabini ang inilakas sa harapang bahagi ng municipal hall.
Pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa Mabini kung saan naitala ang intensity VII.
Inilikas din ang 3,000 iba pang mga residente sa 11 temporary shelter sa Batangas City.
Ayon sa ulat, hindi pa batid ang bilang ng mga lumikas sa bayan ng Bauan, Taal, Tingloy, San Pascual, Agoncillo, San Luis at Lipa City. Wala namang naiulat na nasawi sa lindol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending