Tambalang Julia-JC may kakaibang kilig

April 09,2017
share this

Tambalang Julia-JC may kakaibang kilig

April 09,2017
share this

julia montes at jc santos

IN fairness, may promise at refreshing ang tambalan nina Julia Montes at JC Santos sa bagong episode ng Wansapanataym na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Titled “Anika Pintasera” kung saan kasama rin nila ang Kapamilya youngstar na si Maris Racal, marami ang natutuwa at naaaliw sa tandem dito nina Julia at JC. Bagay na bagay daw ang dalawa at may kilig factor ang kanilang mga eksena lalo na kapag tinatarayan na ng dalaga si JC.

Kaya sabi ng ilang netizens na nanonood ng Wansapanataym tuwing Linggo ng gabi, hindi na sila magtataka kung muling bigyan ng proyekto ng ABS-CBN at ng Dreamscape Entertainment sina Julia at JC after ng kanilang Sunday program.

Sabi pa ng isang loyal fan ni Julia sa kanyang social media post, “Sana sa next teleserye ni Juls, isama na rin si JC, wahhhh! Nakakakilig din sila! Parang nanonood ako ng Koreanovela na kakaiba ang kilig na dala sa viewers!”

Napapanood pa rin ang Wansapanataym after Your Face Sounds Familiar. Kasama rin dito sina Michael Flores, Ana Roces at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending