Horoscope April 07, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang celebration ng birthday sa pagsisimba. At pagkatapos ay pagswi-swimming. Sa ganyang paraan, nakapag-relaks ka na, susuwertehin at magiging maligaya pa ang buong mag-hapon. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Alam mo bang higit na umuunlad at sinusuwerte ang isang Aries kung mahaba ang buhok? Kung ikaw naman ay isang lalaki, magpatubo ng bigote o kaya’y balbas. Kung nais mo namang magpa-tattoo, aguila o kahit anong uri ng ibon ang suwerte. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Name-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Higit kang mas mapalad sa iba, kaya hindi dapat malungkot, panahon na upang magsaya! Sabi nga, bilangin mo ang mga blessings na dumarating sa iyong buhay, kaysa kung ano-anong negatibong bagay ang isinisilig mo sa iyong iniisipan. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bukod sa t-shirt na puti, tulad din ng Virgo, ang mga Gemini ay sinusuwerte sa alahas na silver. Yan ang lagi mong isuot upang madagdagan ang iyong salapi at para makaranas na din ng masarap na romansa at maligayang pag-ibig. Mapalad ang 5, 8, 17, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Yara-Om.” Bukod sa white, ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat magtiis, kaya mong baguhin ang buhay sa isang idlap lang. Mangibang bansa. Sa pag-aabroad higit na uunlad ang karanasan. Sa ibayong dagat matatagpuan rin ang iyong true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag masyadong magpa-alipin sa kasuyo! Ang pagiging malaya ang magdadala sa iyo sa tunay na kaligayahan. Sa pinansyal, iwasan ang masyadong maging mapagbigay, alalahanin mong nauubos din ang salapi. Mapalad ang 4, 11, 20, 29, 33, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Rama-Om.” Green at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung magpapagawa ng bahay, gamitan nang materyales na stainless, salamin at aluminum. Ang nasabing mga materyales ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, silver na singsing ang buenas. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yophiel-Babalam-Om”. Bukod sa silver, ang white ay buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung gusto mong yumaman, okey lang kung medyo chubby at mataba ka. Sa katotohanan kasi bihira lang sa mga payat na Libra ang yumaman. Sa pag-ibig, mas masarap ding kayakap ang malaman kaysa sa mabuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag kang mapapagod. Ituloy ang pag-gising ng maaga, upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung sa umaga gagawin. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagpapasya. Sa pag-ibig, wag mo silang intindihin, tama ang nasa isip mo, kanya-kanya ng diskarte yan, walang basagan ng trip. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang mas mabilis na suwertehin, maglagay ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng pisngi. Ang nasabing nunal ang hihigop ng maraming suwerte. Dagdag, dito dahil sa nasabing nunal higit kang mas magiging kaakit-akit sa ka-opposite sex. Mapalad ang 4, 17, 34, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Bakit hindi ka lumiligaya? Isip bata ka pa kasi! Kung tanggapin ng maluwag sa loob, ang anomang bagay na nawawala ay hindi na muling magbabalik, mas magiging maligaya ka. Kung ano ang nandyan yon na lang ang pagtsagaan. Mapalad ang 1, 9, 18, 24, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Konsentrasyon ang dapat at iwasang mag isip ng kung ano-ano na malabo namang magkatotoo. Tandaang kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong pag-ibig, uunlad ka at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”

Read more...