SINIBAK si Interior Secretary Mike Sueno dahil siya ay nangurakot daw.
Hindi lang siya corrupt, siya’y inutil pa bilang pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Parang manok si Sueno na pinutulan ng ulo sa pagpapatakbo ng DILG; hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang makapangyarihang puwesto.
Isang estupidong plano niya ay pagtatatag ng military police (MP) sa Philippine National Police (PNP), gaya ng MP ng Sandatahang Lakas o AFP.
Nang tanungin siya kung ano ang saysay ng MP sa isang samahan na nagpapatupad ng batas, ang sagot ni Sueno ay hindi pa niya alam.
Dinalaw ko si Sueno sa kanyang opisina noong bago pa siya sa kanyang puwesto at nakiusap ang inyong lingkod sa kanya na madaliin ang pagpapatalsik sa mga abusadong pulis na may pending na mga kaso sa National Police Commission o Napolcom.
Ang DILG secretary ay chairman din ng Napolcom.
Ginawa ko ang pakiusap dahil sa maraming pending na mga kaso laban sa mga abusadong pulis na ipinarating sa akin sa pamamagitan ng public service na programang ‘Isumbong mo kay Tulfo’.
Nangako si Sueno na gagawan niya ng aksyon ang aking request, pero napako ang kanyang pangako hanggang sa siya’y nasibak.
Dapat sibakin din ng Pangulong Digong ang mga DILG undersecretaries na sina John Castriciones, Jayvee Hinlo at Emily Padilla.
Ang mga ito ay kasama ni Sueno sa PDP-Laban, ang political party na ginamit ng noon ay Davao City Mayor Rody Duterte sa kanyang pagtakbo sa puwesto ng pangulo.
Ang bali-balita sa loob ng DILG ay sila ang naglantad ng deal sa pagbili ng mga firetrucks na walang public bidding dahil di sila nasali sa deal.
Kapag hindi nasali, walang “kita” siyempre.
Sa madaling salita, ang tatlo ay nagsa-sour grapes lamang.
May balita na si Director General Gene Mamondiong ng Technical Education and Skills Development Authority o Tesda ang ipapalit kay Sueno.
Ang Tesda ang naging behikulo ni Joel Villanueva sa pagka-senador.
Si Mamondiong ay miyembro din ng PDP-Laban.
Ginawa raw ni Mamondiong, na isang Maranaw, na sariling tahanan ang kanyang opisina sa Tesda.
Ang Tesda compound daw ay nagmistulang residential compound ni Mamondiong.
Dito raw siya tumatanggap ng kanyang mga kababayang Maranaw.
Dinudumihan daw ng mga kababayan ni Mamondiong ang Tesda compound sa pamamagitan ng pagdudura kung saan-saan.
Sa ngalan ng taumbayan, tinutulak ng inyong lingkod si Raffy Alunan bilang kapalit ni Sueno sa DILG.
Si Alunan ay tumakbong senador sa ilalim ng bandila ni Digong Duterte noong nakaraang eleksyon.
Hindi bago si Alunan sa DILG. Siya ang the most honest and competent na naging secretary ng DILG.
Dahil may one-year ban sa mga talunan na ma-appoint to public office, maaaring mag-appoint muna si Mano Digong ng OIC sa DILG hanggang matapos ang ban sa May 9, 2017. Ito’y next month na.
Kapag pinababa ang edad ng criminal liability from 15 years to nine years, magiging hadlang ito sa mga kabataang gumawa ng krimen.
Ang mga kabataan na hindi pa nakakaabot ng 15 anyos ay di puwedeng makasuhan sa korte kahit na sila’y pumatay, magnakaw at manggahasa.
Ito’y dahil sa isang batas na si Sen. Francis Pangilinan ang may akda.
Maraming kabataan di pa 15 anyos na gumawa ng karumal-dumal na krimen ang nakakawala at patuloy na gumawa ng krimen dahil sa estupidong batas na ipinasa ni Pangilinan.