Jaclyn sa petisyon ni Jake sa korte: Mag-isip tayong mabuti dahil ang nasisira rito ay si Ellie!

jaclyn jose at jake ejercito

AYAW na sanang makialam ni Cannes Best Actress Jaclyn Jose sa bagong isyung kinasasangkutan nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Ngunit nang malaman niyang nadadamay na ang kanyang apo na si Ellie panibagong “word war” ng dating magkarelasyon, siyempre, apektado rin siya bilang lola.

Sa presscon kahapon ng bagong afternoon series ng GMA, ang D Originals na pinagbibidahan nina Jaclyn, Katrina Halili, LJ Reyes, Kim Domingo, Mark Herras at Jestoni Alarcon, hindi napigilan ng award-winning actress na mag-react.

Unang pahayag ni Jaclyn, “Siyempre, mother knows everything, but this is not my story to tell. So I just need to keep quiet and let my daughter handle the situation na pinasukan niya. As for Jake, everyone knows that I care for him, bata pa lang ang mga ‘yan, sila ni Andi, malapit na siya sa akin. Bago pa siya maging daddy ni Ellie, okay na okay na kami.

“Basta ang sa akin lang, I want Ellie to…you know, maging tao na buo, so if I may, kung pwede, alam ko naman na part si Jake ng buhay ni Ellie, kung meron man silang arrangement ni Andi about my apo, sila lang doon, wala akong kinalaman du’n. Nakikita ko naman na base sa ibinibigay din ng kabila (kampo ni Jake) sa bata, pakiramdam ko naman lalaki ng buo at masaya ang apo ko,” esplika pa ng Kapuso actress.

Dagdag pa ni Jaclyn, “As far as we are concerned, we kept quiet to protect Ellie, and sa tingin ko naman, na-achieve namin ‘yun. But I don’t have the authority to talk in behalf of my daughter and Jake, nandu’n lang ako sa pagiging lola kay Ellie, at hindi ko pababayaan ang apo ko, tulad ng hindi pagpapabaya nina Ellie at Andi sa anak nila.”

Pagkatapos ng presscon ng D Originals, nakorner ng ilang members ng press si Jaclyn at muling inusisa tungkol sa petisyon ni Jake para sa regular visitation rights and joint custody kay Ellie, dito na nag-iba ng tono ang aktres. Hindi pala siya aware na involved na ang korte sa isyu.

Ayon kay Jaclyn, hindi raw tama na isipin nina Jake na inilalayo ni Andi si Ellie sa kanyang ama, “Alam n’yo kasi, marami ring pagkakataon na ako ang sinasabihan ni Jake na kukunin niya si Ellie at hihiramin niya on that day, so sasabihan ko ang apo ko na, ‘Your daddy is gonna be here, pero hindi siya darating.

“So, please let’s not make this issue a circus because I’m gonna fight for my daughter. Siguro mag-isip muna tayong lahat nang mabuti, may ganito pala, di ba, na hindi ko alam. Mag-isip tayo nang mabuti kasi ang sinisira ninyo rito ay buhay ng isang limang taong gulang na babae na napakalambing at napakabait,” sabi pa ni Jaclyn.

Samantala, sinisiguro ni Jaclyn and the rest of D Originals cast members, na ibang-iba ang atake nito sa mga napapanood na kabit serye.

Bukod sa mga nakakaloka at nakakapraning na confrontation scenes ng mga original wife at mga mistress sa kuwento, may mga tips din silang ibibigay sa mga mister kung paanong mapapanatiling buo ang kanilang pamilya. In fairness, sa trailer pa lang, winner na winner na ang emote ng mga legal wife at kabit, lalo na ang tarayan at sapakan nina Jaclyn at Katrina na mag-aagawa sa pagmamahal ni Jestoni!

Makakasama rin sa D Originals sina Meg Imperial, Archie Alemania, Lovely Abella, Mikoy Morales, Arny Ross, Elyson de Dios at Chlaui Malayao, sa direksyon ni Adolf Alex, Jr.. Magsisimula na ito sa April 17 kapalit ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa Afternoon Prime.

Read more...