James, Nadine negang-nega sa madlang pipol dahil sa mga reklamo ng producer

nadine lustre and james reid

SINA James Reid at Nadine Lustre ang naputukan sa pasabog na revelation ng isang lady producer sa naging concert nila sa US.
Nagpa-VIP raw kasi ang dalawa at hindi binaba ang fans na naghihintay sa lobby.

Sa comments section ng isang popular website, ang daming nagtaray sa JaDine.

“So what’s new? Hinde bat last year may hinde rin sinipot na meet and greet ang JD? At nasa promotional posters yun Na kasama Sa ticket price yun Tapos deny Sila ng deny… super feeling Talaga Ang JD eh.”

“The best sa pagiging ungrateful. Yuck. This is no new news to me. Sila yung sikat na artista na walang simpatya sa fans. Ang taas ng tingin nila sa sarili nila and same with Viva, kala nila ginto ang JaDine.”

“Kaloka hindi dapat ganyan ang pagtrato sa fans lalo na sa mga taga abroad, they pay high just to see them tapos gaganyanin lang? ugaling ganyan ang di tatagal sa industry. good luck sa career team walwal!

“Remember, wala kayo sa status nyo ngayon kung walang fans. lalo na si N super nega ang ugali ilang beses ko na napatunayan yan kaya super dissapointed ako sa kanya.”

“See what happens when fame hits people with small minds and big egos? JaDine exemplifies this best. Dapat pag lumalabas meron silang dalang karatulang ‘wag tularan’. Nakakahiya!”

Mukhang maagang malalaos ang JaDine. Parang ang dami ng galit sa kanila ngayon.

Read more...