Wala sa minimum ang sahod

DEAR Atty. Fe:
I need your help, attorney. I just want to fnd my husband, he’s in jeddad, Saudi arabia now and under a Saudi agency. He never send us money, he never call us. His name is Roy (full name withheld). We are legally married, what should I do? I’ll wait for your reply.– Sincerely, Jessica, …1014

Dear Jessica:
Magsampa po kayo ng ng Petition for Support at Support Pendete Lite sa Regional Trial Court kung saan po kayo nakatira. Ang Order of Support po na ibibigay sa inyo ng Judge ay pwedeng i-register sa Philippine Overseas Employment Agency. Makipag-ugnayan po sa POEA na silang may paraan para ma-trace ang employer ng inyong asawa. Reminder lang po, hindi po kayo matutulungan ng POEA kung wala kayong Order of Support mula sa Judge. — Atty. Fe

Dear Atty. Fe:
Magandang hapon, attorney. Ako po si Jay taga Davao del Norte. Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo para mabigyan kami ng sapat na sahod ng kompanyang pinapasukan namin. Dito po sa Viscaya plantation , napakaliit po ng sahod na ibinibigay nila sa amin, P190 lang po bawat araw hindi sapat para ikabuhay ng aming pamilya.

Sana po matulungan n’yo kami sa aming problema. Matagal na rin po kaming nagtitiis sa maliit na sahod dito. Sana po maipaabot sa mahal na pangulo ang hiling na-ming mga manggagawa. Napakadelikado pa po ng trabaho namin dito dahil gumagamit kami ng chemical na nakakalason sa katawan ng tao. hanggang dito na lang po at maraming salamat. — Jay, …3945

Dear Jay:
Magsampa kayo ng demanda sa National Labor Relations Commission upang maging minimum wage ang inyong sahod. Walang ibang makakapagbigay sa inyo ng minimum wage kundi ang Labor Arbiter sa loob ng NLRC. Walang kapangyarihan ang pangulo na mag-referee sa employer at sa employee. Tanging ang Labor Arbiter lang ang siyang maaaring makapagtakda kung dapat ibigay sa inyo ang ‘balanse’ upang maging minimum wage ang inyong sahod.
Wala naman pong “Sheriff” ang Office of the President, ang “Sheriff” ay ang taong may awtoridad mag-kumpiska ng assets/pag-aari ng company upang i-auction, at ang perang malilikom ay ibabayad sa empleyado na may ‘balanse’ sa minimum wage, tulad nang sitwasyon ninyo ngayon. — Atty. Fe

May tanong ka ba na nangangailangan ng legal na opinyon? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374

Read more...