Tubid sinuspinde, pinagbayad ng P30K
Dennis Christian Hilanga - Bandera April 04, 2017 - 06:25 PM
Pinatawan ng PBA Commissioner’s Office Martes si San Miguel guard Ronald Tubid ng dalawang larong suspensyon at pinagmulta ng P30,000 matapos masaktan si Chris Newsome ng Meralco sa 99-92 panalo ng Beermen kontra Bolts noong Linggo.
Pinituhan si Tubid ng flagrant foul penalty 2 nang tamaan ng kanyang kamao ang mukha ni Newsome sa isang rebound play dahilan upang ma-eject siya sa laro may siyam na minuto pang nalalabi sa laban. Bunsod nito, hindi makapaglalaro si Tubid para sa Beermen kontra Phoenix sa Biyernes (April 7) at Star sa susunod na linggo (April 16).Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending