Sex addict

(Fourth of five parts)

HALOS araw-araw may balita tungkol sa rape o panggagahasa. Meron ding sexual perversion. Kadalasan ay kasama lang sa simpleng usapan ang “Sexual Escapades”, mga karanasang sekswal na minsan nga ay ipinagmamalaki pa at ginagamit na basehan nang “pagkalalaki”.
Nakababahala at nakakaapekto sa lipunan ang “sex addict” dahil sa mga krimen na nagagawa nito — pagkasira ng buhay lalo na sa kababaihan, at pagkawasak ng mga relasyon.

Dahil sa ang “Sexual Activity” ay nagdudulot ng kasiyahan, kasarapan at pagkawala ng tensyon sa katawan, ito ay pwedeng panggalingan ng “Addiction”.
Ang “Sex Addict”ay dumaranas ng negatibong sistema ng sekswalidad, walang kapayapaan sa pag-iisip, maraming suliranin at bukas sa katiwalian. Siya ay nakatuon sa pag-iisip (Sexual Preoccupation) at gawain na nagdudulot ng nasabing masarap na karanasan. Iisa lang ang sanhi ng “ADDICTION” kahit ano pa man ang pinanggagalingan at patutunguhan nito; ang pagiging MAKASARILI.

Ano-ano pa ang mga mukha ng “Sexual Addiction”? Ayon sa mga Pychiatrists, may mga “sexual addictions” na madaling makuha kagaya ng “one-night stand” o maraming karelasyon, pagkakaroon ng kontak sa mga “prostitutes”, pagkahilig sa “pornography”, at “excessive masturbation”. Ang mga “PARAPHILIA” naman ay tungkol sa paggising ng kamundohan sa pamamagitan ng mga paraan na hindi madaling makuha. “Fetishism”, “Voyeurism”, “Exhibitionism”, “Sadism/Masochism”. Transvestism at “Pedophilia” ang mga ehemplo nito. Kapag may “OBSESSION” na, “sexual addiction” na ang kasunod.

Ang paggamot sa problema na ito ay sa pamamagitan ng “Appropriate Spirituality”. Ang pagbabago ay mahalaga. Kahit ano pang “intervention” ang gawin, nguni’t kung walang “conversion” bale wala rin. Maitutuwid lamang ito kung babalik sa kalooban ng Diyos.
Pagkatapos ay isambulat nya ang mga nakatagong “unforgiveness” at “sama ng loob”. Ganoon din kailangan na maging “honest” sa sarili upang maiwasan ang “internal conflict”. Magdasal at humingi ng nararapat na tulong sa ating Poong Maykapal.

 

Subaybayan ang susunod na kabanata.
Tune in to DZIQ Radyo Inquirer 990am every weeknight 8-9:30pm for your “RADYO MEDIKO” program. Like us on Facebook, RADYO MEDIKO. Pinag-uusapan ang Diabetes tuwing Lunes sa segment na “Dr. Heal Healthline” . Maari po kayong sumama at sumali sa Diabetes Support Community na nakatuon sa mga gawaing panglaban sa Dyabetes. Tuwing Myerkules naman ay tinatalakay natin ang “Obesity” o Katabaan.

Para sa komento, reaksyon sa artikulong ito, i-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa sa 09999858606

 

Read more...