P90-M lotto pot hinamig ng guro

ISANG 35-anyos na babaeng guro na taga-Binangonan, Rizal ang nanalo ng P90.9 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Martes ng gabi.
Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang tinayaan niyang numero—20-05-45-35-26-21—ay kaarawan ng kanyang mga magulang na may isang buwan na umano niyang inaalagaan.
Plano niyang bumili ng bahay para sa kanyang mga magulang at magbigay ng donasyon sa simbahan. Magpapatayo rin siya ng eskuwelahan para sa mga bata sa kanilang komunidad. —Leifbilly Begas

Read more...