3 Kapamilya loveteam, Vice, Piolo, Bea, Maja loyal sa ABS-CBN

jadine kathniel lizquen
MANANATILING solid Kapamilya ang mga naglalakihang bituin, kabilang na ang mga kinakikiligang loveteams, matapos pumirma ng kani-kanilang mga exclusive multi-program contract sa ABS-CBN nitong unang quarter ng 2017.

Patuloy na magpapakilig sa iba’t ibang Kapamilya projects ang mga loveteams nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), at Kim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).

Kasama rin sa mga pumirma ng kontrata ang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice host na si Vice Ganda, “Northern Lights” lead actor Piolo Pascual, at A Love To Last cast members na sina Bea Alonzo, Enchong Dee at Julia Barretto.

Nag-renew na rin ng kontrata sa ABS-CBN ang Wildflower stars na sina Maja Salvador at Joseph Marco, Julia Montes na may upcoming Kapamilya series na Victims Of Love, ang mga host ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, pati na ang mga I Can Do That stars na sina Pokwang at Robi Domingo.

Siyempre, hindi rin pakakawalan ng Kapamilya network ang isa sa mga bida ng seryeng The Better Half na si Shaina Magdayao, ganu’n din si Jessy Mendiola ng Banana Sundae, at sina Erich Gonzales, Sam Milby, Isabelle Daza-Semblat at Richard Yap.

Mainit din ang pagtanggap ng ABS-CBN sa nagbabalik-Kapamilya na singer/songwriter na si Ogie Alcasid na napapanood bilang judge sa Your Face Sounds Familiar Kids. Kamakailan, pumirma na rin ng kani-kanilang exclusive contract sa Dos sina Bela Padilla at Yassi Pressman. Napapanood ngayon si Bela sa primetime series na My Dear Heart, samantalang nasa top-rating primetime show naman na FPJ’s Ang Probinsyano si Yassi bilang leading lady ni Coco Martin.

Read more...