Ang ‘Kano na ka-chat mate na ba ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Lucky ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
May ka chat mate ako sa ngayon pero hindi pa kami nagkikita, almost two years na kasi ang relasyon namin sa internet lang. Nagkikita lang kami sa Skype pero halos araw-araw naman at gabi-gabi kaming nag uusap.
Siya ay isang Americano hiwalay na sa una niyang asawa. May pangako siya sa akin na bibisita siya dito sa atin sa darating na buwan ng Mayo. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto ko sanang malaman kung matutuloy kaya ang kanyang pangako? Compatible ba kami at kami na kaya ang magkakatuluyan? August 13, 1993 ang birthday ko at December 1, 1979 naman ang birthday ng Americnong ka-chat mate ko.
Umaasa,
Lucky ng  Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malawak at malinaw na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ito ay maliwanag na tanda may isang panahon sa iyong buhay na makapag-aabroad ka at kapag tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran darating din ang panahong sa ibang bansa ka na rin maninirahan at magkakapamilya.
Cartomancy:
Five of Hearts, Queen of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing siguradong tutuparin ng ka-chat mate mong Americano ang pangako niyang papasyal o bibisita sa iyo sa darating na buwan ng Mayo at malaki rin ang pag-asang siya na ang makakatuluyan mo at sa sandaling siya na ang nakatuluyan mo, ito rin ang magiging simula sa buhay mo ng tuloy-tuloy na pag-unlad sa aspetong pang-materyal na bagay.
Itutuloy

Read more...