Andi naalarma sa kasong isinampa ni Jake sa korte, baka raw ilayo sa kanya ang anak Bandera

Andi naalarma sa kasong isinampa ni Jake sa korte, baka raw ilayo sa kanya ang anak

Reggee Bonoan |April 03,2017
share this

Andi naalarma sa kasong isinampa ni Jake sa korte, baka raw ilayo sa kanya ang anak

Reggee Bonoan - April 03, 2017 - 12:05 AM

 

andi eigenmann at jake ejercito

INALMAHAN ni Andi Eigenmann ang pagsasampa ni Jake Ejercito ng joint custody and visitation rights case sa korte para sa anak nilang si Ellie. Ayon sa binatang ama, hindi pa rin siya binibigyan ni Andi ng karapatan na makasama nang regular ang kanilang anak.

Isa pang inireklamo ni Jake ay ang hindi pagbibigay ni Andi ng eksaktong petsa para sa graduation ng bagets kaya hindi siya nakapunta rito. Mismong birthday pala ng binata ang araw ng graduation ni Ellie.

Sa petisyon ni Jake na i-nihain sa korte, hinihiling nito na magkaroon sila ng joint custody kay Ellie bilang mga magulang at mabigyan ng regular visitation rights.

Ayon pa kay Jake, hindi rin niya gusto na magkasamang natutulog ang anak nila at ang bagong boyfriend ni Andi at ang palaging pagbabakasyon ng aktres kasama ang anak nila with his non-showbiz boyfriend.

Kahapon sa thanksgiving presscon ng The Greatest Love, nakorner ng ilang miyembro ng entertainment media si Andi at natanong nga ang tungkol dito. Sabi ng mama ni Ellie, na-bother lang siya sa idea na aabot pa sa korte ang usapin tungkol sa anak nila ni Jake.

Aniya, limang taong gulang na ngayon ang anak at hindi naman daw in-acknowledge ni Jake na siya ang ama sa birth certificate nito. Sa madaling salita, Eigenmann ang gamit ni Ellie, “Yes, she’s using my name. Nagwe-wait nga ako na i-offer nila (apelyido), wala namang kumakausap sa akin,” sey ng aktres.

“Kaya nga nawiwirduhan ako kasi may petition na agad siya, e, hindi naman niya in-acknowledge na daughter niya si Ellie. Sobrang confused ako kasi powerful sila, ano ba ito, that’s why I have to get a lawyer, pero since nag-iipon ako for building our house, nagtitipid ako, kaya ako na lang ang lawyer ng sarili ko,” aniya pa.

Hindi rin daw nagbibigay ng pinansyal na tulong si Jake kay Ellie at binanggit namin na ang sinabi sa amin ni Jake ay sagot daw nito ang pag-aaral ng bata, “Before kasi sa school nila nag-aaral si Ellie, but now, no more kasi ibang school na siya. Kaya lahat ako ang gumagastos,” paliwanag ng isa sa cast ng The Greatest Love.

Isa pang worry ni Andi baka raw kapag naayos ang papeles ay baka raw ilayo sa kanya si Ellie, “Sabi niya kasi dati, it’s for the best, kasi wala raw akong kuwentang nanay,”ani Andi.

Hindi naman itinanggi ng aktres na dahil araw-araw ang taping ng serye nilang The Greatest Love ay ang current boyfriend niyang si Emilio Arambulo ang naghahatid-sundo kay Ellie sa school at nagpapasalamat siya dahil “big help” ito sa kanya.

Bagay siguro na ikinasasama ng loob ni Jake dahil may ibang lalaki ang gumagawa ng trabaho niya bilang ama. Pero paliwanag ni Andi walang plano si Emilio na kunin ang papel na ama ni Jake, nagmamalasakit lang daw siya sa anak ng girlfriend niya.

“Kaya nga nagugulat, lumalaki na si Ellie, she’s 5 years old, do you really think that exposing her to this kind of limelight, will be good for her?” patanong ni Andi kay Jake.

As of now ay hindi raw nahihiram ni Jake si Ellie dahil hindi nakikipag-usap sa kanya ang dating karelasyon, ipinapadaan lang daw sa ate Jerika nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending