Elisse Joson 6 na taon naghintay sa swerte, muntik nang sumuko

elisse joson

FINALLY met Elisse Joson, the beautiful ka-loveteam ni McCoy de Leon.

We admire her rise to success. She toiled long and hard para makamit ang stardom. Six years din pala siyang naghintay para magkapangalan.

So, where does she credit her little successes now?

“Unang-una sa mom ko po. Supportive po kasi siya. Ang tagal naming naghihintay. Kahit na anong gusto sa buhay ay naka-support pa rin siya, kahit na hindi ko na daw i-push ang showbiz ay okay pa rin po sa kanya. Siyempre po ‘yung opportunity kasi noong nagsisimula pa lang ako doon po ako nagko-commercial, puro VTRs,” she said.

It was in a fastfood commercial that she was finally noticed. It was a hugot story about a woman who was dumped by her boyfriend.

“Noong time na ‘yon ay wala po sa isip ko na maghi-hit doon. Sabi sa akin ng director at ‘yung staff ng TVC shoot, parang sabi nila, pagkatapos nito ay doon ka nila makikilala. Pero hindi ko naman po inisip ‘yon. Parang masaya na po ako na nagkaroon ako ng lead part sa isang commercial,” she said.

According to her, she nearly gave up na dahil matagal na rin naman ang six years niyang ipinaghintay.

“Malapit-lapit na din po akong mag-give up pero ako kasi dahil sabay sa studies ko ng Fashion Design sa College of St. Benilde, parang ginagawa ko lang po that time, kasi gusto kong matututo, hindi naman po ito ang bread and butter ko na kailangan kong i-push.

“‘Pag hindi po natuloy ang career dito ay sa US kami maninirahan kasi doon siya (mommy) may trabaho. She’s a doctor but works as a nurse,” chika ni Elisse.

Now, her second fastfood commercial is airing and she’s busy with her first primetime teleserye, Kung Kailangan Mo Ako with Eula Valdez, John Estrada, Mylene Dizon, Joshua Garcia, Elmo Magalona, Janella Salvador.

One thing nice about Elisse is that she’s very simple. Her success has not gone on her head. Kahit na sikat na siya ay napakasimple pa rin niya.

We feel na her loveteam with McCoy de Leon will hit big time this year. After all, sila ang isa sa pinakatinilian sa anniversary concert ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa Christmas Special ng ABS-CBN.

Read more...