Gusto ng hiwalayan ang BF na may asawa na

Sulat mula kay Caryll ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Noong una ang pakilala sa akin ng boyfriend ko ay binata siya at naniwala naman ako. Pero ng makuha nya na ang lahat ng gusto nya sa akin at maraming beses ng may nangyari sa amin, doon ko lang nalaman ang katotohanan, may asawa pala siyang legal sa kanilang probinsiya. Itatanong ko lang kung kahit kaya may asawa siya may pag-asa kayang kami pa rin ang magkakatuluyan? Gusto ko na kasi siyang hiwalayan pero ayaw nyang pumayag dahil ang sabi nya sa akin mas mahal nya daw ako kaysa sa kanyang asawa at handa daw siyang hiwalayan ang asawa nya para sa akin. Totoo kaya ang pangako nyang iyon? At kung hihiwalayan nya ang legal wife nya kailan kaya mangyayari yon para masolo ko na siya? Kung hindi naman magiging kami may lalaki pa kayang darating sa aking buhay na binata at solong-solo ko na talaga? October 7, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Caryll ng Negros
Occidental
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Nawasak ang unang bahagi ng iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang dulong bahagi nito (arrow 2.). Ibig sabihin sa ngayon kabiguan, pagtatalusira at kalungkutan talaga sa pag-ibig ang
iyong mapapala, dahil sa maling pakikipagrelasyon sa lalaking may asawa na, pero sigurado namang magagawa mong hiwalayan ang nasabing lalaki upang pagsapit ng susunod na taong 2018, ganap at tunay ka na uling malaya.
Cartomancy:
King of Spades, Nine of Hearts at Two of Hearts ang lumabas (Illustration 2.) Ang mga baraha ang nagsasabing lilipas ang siyam na buwan, tuluyan na kayong magkakahiwalay ng boyfriend mong may asawa na, upang pagkatapos sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyong paparating pa lamang, hatid ng isang lalaking may initial na J.Y., makakasumpong ka na ng isang panghabang buhay na relasyon at pang habang buhay na kaligayahan.
Itutuloy…

Read more...