Sorry na lang sa haters: Relasyong Jessy-Luis matatag pa rin

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

MATATAG ang relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Kahit na anong pamba-bash ang ginagawa against them, sige lang sila nang sige. Post pa rin sila nang post sa kani-kanilang social media accounts ng kanilang sweet moments together.

Parehong mapagpatol sa bashers ang dalawa. Mas lalo si Luis na kapag nakanti mo ay talagang hindi ka titigilan hangga’t hindi mo inaamin ang iyong pagkakamali. Ilang bashers na ang ipinahiya niya sa kanyang followers.

Just recently, sa Japan nagbakasyon ang dalawa. We saw their Instagram video where they were shown na magkaakbay while walking in the streets in Osaka, Japan.

“So ‘yun, naglalakad-lakad lang kami dito sa Osaka. Nagsayang ng pera, nagsayang ng oras. Bahala na kung ano’ng mangyayari. ikot na lang, bahala na,” chika ni Luis sa video.

Nakabakasyon yata si Luis dahil magsisimula na ang kanyang bagong iho-host na show sa Dos.

One thing that’s admirable sa young couple na ito ay ang pagiging matatag nila kahit na anong batikos sa kanila.

Read more...