Jinggoy: Laging Semana Santa ang pakiramdam namin ni Bong, parang araw-araw may pasan kaming krus! | Bandera

Jinggoy: Laging Semana Santa ang pakiramdam namin ni Bong, parang araw-araw may pasan kaming krus!

Cristy Fermin - April 01, 2017 - 12:30 AM

JINGGOY ESTRADA AT BONG REVILLA

JINGGOY ESTRADA AT BONG REVILLA

NGAYON pa lang ay nakaplano na kung saan-saan magbabakasyon ang mga artista sa darating na Semana Santa. Ang mga may kakayahang gumastos ay sa ibang bansa magpupuntahan, Japan ang pinakamabentang destinasyon, ang iba namang medyo kapos sa budget ay sa Boracay matatagpuan.

Tapos na nga ang panahong nag-uuwian sa kani-kanilang probinsiya ang mga artsita para du’n palipasin ang Mahal Na Araw. Du’n sila nagtitika, binabalikan nila ang kanilang kabataan, pero hindi na uso ang ganu’n ngayon.

Pero ito nga lang naman kasi ang panahong makapagpapahinga sila, utang na loob nilang dapat tanawin sa kanilang mga sarili ang masarap na bakasyon, tutal naman ay minsan lang sa isang taon ang ganitong panahon.

Pabirong-totoo na sabi sa amin nu’ng minsan ni Senador Jinggoy Estrada, “Magtatatlong taon na kaming nagtitika ni Bong, parang palaging Semana Santa ang pakiramdam namin sa araw-araw.

“Para na rin kaming nagpapasan ng krus everyday, umaasang isang araw, e, makalalaya na rin kami.

Matagal na ang paghihintay namin,” nangingiting komento ng aktor-pulitiko.

Humihingi ng permiso si Senador Jinggoy na harinawang payagan siya ng Sandiganbayan na makadalo sa ikawalumpung kaarawan ng kanyang ama sa April 19.

“Otsenta na ang daddy ko, makasama ko man lang sana siya sa pag-alala sa birthday niya. Sana naman, du’n man lang, e, makasama ko si daddy,” umaasang sabi pa ni Senador Jinggoy Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending