McCoy de Leon nakipag-acting showdown kina Boyet at Tetchie

McCOY DE LEON AT ELISSE JOSON

McCOY DE LEON AT ELISSE JOSON

BIBIDA sa unang pagkakataon ang Kapamilya young actor na si McCoy de Leon sa isa na namang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado kung saan tampok ang kwento ng pagbangon ng isang rebeldeng anak na biglang naulila at hinarap ang buhay nang mag-isa.

Bilang nag-iisang anak, tingin ni Mon (McCoy) ay nasa kanya na ang lahat. Kaya naman lumaki siyang maluho, arogante, at nakadepende sa kanyang mga magulang na sina Lino (Christopher De Leon) at Mila (Tetchie Agbayani).

Ngunit sa isang iglap, ang kanyang maginhawang buhay ay biglang naglaho nang bumagsak ang negosyo nila. Hindi pa na-tapos diyan ang kanyang kalbaryo dahil magkasunod din na namatay ang kanyang ina at ama.

Paano niya kaya nalampasan ang hamong ito sa buhay sa murang edad? Sinu-sino ang mga naging inspirasyon niya para mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay sa pagi-ging ulilang lubos.

Makakasama din sa MMK episode na ito sina Louella de Cordova, Patrick Sugui, Dang Cruz, at Lei Navarro, sa direksyon ni Elfren Vibar at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

 

Read more...