Sa wakas, Daniel umaming ‘exclusive’ na sila ni Kathryn sa isa’t isa; hiyang-hiya kay Matteo

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

HIYANG-hiya si Daniel Padilla kay Matteo Guidicelli matapos maglabasan ang mga balita tungkol sa kanila ng girlfriend nitong si Sarah Geronimo.

Baka raw kasi iba ang isipin ni Matteo sa naging pahayag niya kamakailan na gusto niyang makasama sa isang proyekto ang Pop Princess kung sakaling pagpahingahin muna ang tambalan nila ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “Can’t Help Falling In Love” nina Kath at DJ kung saan makakasama nila for the first time si Matteo, inamin ng anak ni Karla Estrada na may ilang factor ang balita sa kanila ni Matteo.

“Nakakahiya kay Matteo. Itong si Kathryn inano pa…pero wala naman, hindi naman yun parang ano. Ano lang naman yung kay Ms. Sarah, pinagkanta kami. Parang ganu’n,” ang pahayag ni DJ.

Dito mu-ling tinanong ang binata kung gusto ba talaga niyang makatambal si Sarah? “Naku, depende ho ‘yan sa ano… kung sa tingin nila ay tama at sa tingin nila maganda, walang problema sa akin. Hindi naman ako namimili kung sino ang ka-partner ko.”

“Tsaka tinanong lang ako and, sa lahat, si Ms. Sarah ang pinaka-safe na makapa-partner. Unang-una, napakabait. Walang malisya. Ano lang yun, siya ang pinaka-safe na makatrabaho dahil napakabait.

“Pero siyempre, kailangan ko rin magpaalam kay Matteo, kung sakali lang,” paliwanag pa ni Daniel nang makorner ng press pagkatapos ng media conference ng Can’t Help Falling In Love, na ginanap sa Villa Immaculada Events Place, Intramuros, Manila.

Samantala, diretsahan nang ibinandera ni Daniel na “exclusive” na sila ni Kathryn sa isa’ isa, meaning totoong sila na nga!

Nang muling matanong sa presscon ng “Can’t Help Falling In Love” na showing na sa April 15, Sabado de Gloria, tungkol sa estado ng kanilang relasyon, bumulong muna si DJ kay Kath bago sumagot, “Very exclusive po kami, e. Exclusive po kaming dalawa. Exclusive po kami sa isa’t isa.”

Pagkatapos ng presscon, pina-explain uli kay DJ ang kanyang statement, “Baka kasi sukang-suka na kayo, e. Sukang-suka na rin kasi ako, e. Okay na yun.
Kasi, baka kapag sinabi ko pa yun, ‘Alam niyo na.’ Nakaka-bad trip nga kung iisipin mo. Kaya ko sinabi yun.”

Hirit ni TV Patrol reporter Gretchen Fullido, “When you say exclusively dating, yun na ba yung ‘kayo na’ or hindi pa rin ‘kayo na’?” Na sinagot ni DJ ng, “Exclusive sa isa’t isa, so meaning ganu’n.’

Dugtong ni Gretchen, “Kayo na?” Tugon ng binata, “Yes!”

Read more...