True ba James ayaw gumawa ng pelikula kasama si Angel, loyal kay Nadine?

angel locsin at james reid

AT eto pa, may tsismis ding hindi na nga matutuloy ang umano’y project ni Angel with James Reid.

Bukod daw sa imposible itong maganap ngayong 2017 kung ang iskedyul ni James ang titingnan, tila may mga ilang “personal problems” pa raw na kailangang plantsahin.

Kesyo may tampo raw ang kampo ni James sa aktres dahil sa tinapatan nitong minsan ang JaDine movie. Na kesyo hindi raw feel ni James na mawalay kahit sa ibang project sa GF niyang si Nadine Lustre at kesyo mas feel namang unahin ni Angel si Coco Martin dahil proven na raw ang kasikatan nito.

Hahaha! Marami tuloy ngayon ang nagtatanong kung ano ba talaga ang layunin ni Angel sa mga ganitong pag-iingay o pagpapakakontrobersyal lalo pa’t napapanood na naman siya uli sa It’s Showtime?

 

Read more...