Arjo Atayde posible bang ma-in love kay Erich Gonzales?

 

SA unang pagkakataon ay makakapareha ni Arjo Atayde si Erich Gonzales sa episode ng Ipaglaban Mo na mapapanood ngayong Sabado pagkatapos ng It’s Showtime.

Ayon sa aktor sa panayam ng Tonight With Boy Abunda ay inamin niyang pangarap niyang makatrabaho si Erich noon pa kaya masaya siya na natupad na ito sa Ipaglaban Mo kung saan gaganap ang aktres na isang pulis.

Diretsong tanong ni kuya Boy kay Arjo kung posible bang magkagusto siya kay Erich since pareho naman silang single ngayon, “It’s very hard, it’s not about beauty meron si Erich, she’s very beautiful inside and out. Talking about a relationship, I think, she’s got out of a relationship, so I just don’t wanna jump into conclusion, but as of now we’re close and we’re really good friends.”

Napag-usapan din si Jane Oineza na nabalitang niligawan ni Arjo noon pero biglang natigil, “She’s a friend, and schedule ko rin (hindi swak) and everything else, it didn’t happen (maging sila),” diretsong sagot ng aktor.
Hindi naman itinanggi ni Arjo na may dine-date siyang miyembro ng Girltrends ng It’s Showtime, “I’m seeing someone once in a while” pero hindi binanggit ang pangalan.

Bagama’t may dine-date si Arjo ay hindi ang babaeng ito ang una niyang tine-text pagkagising niya kundi ang, “CIDG boys” (FPJ’s Ang Probinsyano) na sobrang malapit sa aktor at lagi niyang nakaka-bonding sila kapag wala silang taping.

Sa tanong kung ano ang lamang ni Arjo sa bida ng Ang Probinsyano na si Coco Martin, “Kaputian (sabay tawa).”

At bilang si Joaquin Tuazon sa FPJAP ay inamin ni Arjo na sobra siyang na-challenge sa acting niya dahil na rin sa kanyang nanay na si Sylvia Sanchez.

“Nu’ng umpisa kung ano ang kulang ko, like ‘o Arjo ‘yung mata mo, kulang pa, ‘yung pananalita mo, masyadong flat pag deliver mo ng lines, walang buhay walang kulay.’ She has bombarded me with all these things.

“Yung sinasabing mali ko, pero tingin ko okay naman, I get challenged, so ‘yung pagna-nag niya sa akin nu’ng una, eventually help me out na parang I had to find a way na paano ko kaya aayusin ito. Instead of feeling bad, I have to solve the problem,” kuwento ng aktor.

Pero ngayon ay hindi na namin naririnig si Ibyang na pinapayuhan ang anak dahil nakaalagwa na raw at may sarili ng istilo si Arjo. Si Ria Atayde na lang ang inaalalayan niya bilang baguhan pa sa pag-arte na napapanood din gabi-gabi sa My Dear Heart bilang si Dra. Guia Divinagracia.

Read more...