Ayaw maging ‘kabit’ habambuhay

Sulat mula kay Nida ng San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan

Dear Sir Greenfield,
Ang buong akala ko ay binata ang lalaking nanligaw sa akin two years ago na ang nakakalipas kaya naman sinagot ko siya. Pero nang mabuntis ako at ibinahay ay doon ko lang nalaman na may asawa pala siya at pamilyadong tao. Mula noon ang pakiramdam ko ay niloko at trinaydor niya ako kaya lang ay hindi ko magawang makipaghiwalay sa kanya kasi nga may anak kami at isa pa ay wala akong trabaho noon. Pero ngayon ay may trabaho na ako at ayaw ko na talaga sa kanyang makisama dahil hindi ko pinangarap na magiging kabit na lang ako habambuhay. Kaya ang itatanong ko sa inyo ay kung mangyayari kaya ang balak ko na hiwalayan na ang ka live-in ko at muli akong mag-asawa ng isang binata na papakasalan ako, magkakaroon kaya ako ng isang tahimik at panghabambuhay na pamilya? March 25, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Nida ng Palawan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) at guhit ng Ikalawang Pag-aasawa o Ikalawang Marriage Line (Illustration 2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, darating sa iyong buhay na makapag-aabroad ka, at ito ang magiging daan upang magkahiwalay kayo ng kasalukuyan mong kinakasama.
Cartomancy:
Queen of Spades, King of Clubs, at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.), ang nagsasabing kung naging malungkot at bigo ang buhay mo rito sa ating bansa, sa malayong lugar makakatagpo ka ng true love at ganap na kaligayahan. Kaya kung may mag-aalok sa iyo ng pangingibang-bansa sa panahong ito ng buhay mo, wala kang dapat gawin kundi – sunggab agad!
Itutuloy…

Read more...